Sa bawat umagang maulan

Photo Credits: Morning Rain

Sa bawat umagang maulan, nababalot ng lamig.
Ang aking katawan sapagkat nangungulila

Sa bawat umagang maulan, kita'y naalala
Bumabaha ng pagsinta sa ngiti mong parang pusa

Sa bawat umagang maulan, kita'y niyayakap
Umaasa ng lubos na ang pagmamahal ko'y maalintana

Sa bawat umagang maulan, lumalakas lumalakas
Ang apoy sa'king dibdib nagniningas

Sa bawat umagang maulan, bawat patak ng ambon
Sindami nito ang pagmamahal kong naikahon

Sa bawat umagang maulan, nais ko ng sabihin
Ngunit nagdadalawang isip kung ito'y iyong diringin

Sa bawat umagang maulan, nag-iisip, nag-iisip
Hanggang kailan ka, sa puso'y mananatili

Sa bawat umagang maulan, ako't nagdadasal
Na sana kinabukasan kapag umaraw na, ay ako'y iyong makita...

Comments

Popular Posts